-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Patay ang dalawa katao at marami ang sugatan matapos ang pamamaril na nangyari sa Sitio Ipil-Ipil, Barangay Mambulac, Silay City, Negros Occidental kaninang umaga.

Sa panayam na nakuha ng Bombo News Team, ang mga biktima ang mga volunteer’s ng Team Ugyon na nakatayo sa labas ng isang bahay na itinuturing na headquarters ng Team Asenso ng dumaan ang van at bilang namaril.

Dalawa ang kumpirmadong patay habang lima naman ang sugatan na agad dinala sa pinakamalapit na ospital.

Ayon sa mga nakawitness, diumano, kagabi pa minomonitor ng mga volunteer’s ng Team Ugyon ang headquarters ng Team Asenso sa pinaniniwalaang may nagaganap na vote buying.

Kinumpirma naman ni Police Col. Rainiero de Chavez, provincial director sang Negros Occidental Police Provincial Office na itinuturing na suspect si Punong Brgy. Arnie Benedicto ng Barangay Lantad, Silay City, na sa ngayon ay at large.

Sa statement na inilabas ni Atty. Jose Edward “Chickoy” Davila, legal counsel ni Mayoralty candidate Mark Golez, kinokondena ng Team Asenso Silay ang nangyaring pagpatay at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya.

Nanawagan rin ito ng tahimik, tapat at maayos na Eleksyon.

Nananawagan naman si Mayor Joedith Gallego sa mga supporters ng dalawang grupo na kumalma lamang dahil ang eleksyon ay dumaraan lang kaya dapat huwag magpadala sa emosyon at respetuhin kung anuman ang magiging resulta nito.