Nagpapatuloy pa rin umano ang panunuhol sa New Bilibid Prison (NBP) kahit na nagpalit na liderato ang Bureau of Corrections (BuCor).

Ito mismo ang inamin ni BuCor director general at Undersecretary Gerald Bantag.

Sinabi nito na ang target ng mga drug lords ay nagbibigay ng suhol sa ilang mga prison guards.

Tiniyak naman nito na kaniyang agad na papatawan ng mabigat na kaparusahan ang sinumang prison guard na magpositibo na tumatanggap ng pera mula sa mga drug lords na nakapiit sa NBP.