Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO-Nakuha ng mga otoridad ang mga Improvised Explosive Device (IED) at mga sangkap sa paggawa ng bomba sa tahanan ni Alimuden Masla sa Sitio Butelin Brgy Kabasalan Pikit North Cotabato.

Ito ang kinomperma ng mga opisyal ng 602nd Brigade Philippine Army.

Matatandaan na sumabog ang hindi matiyak ng bomba sa bahay ni Masla kung saan nasugatan ito at apo niya na si Edwin Masla, sampung taong gulang.

Habang nasawi naman si Misba Masla na maybahay ni Alimuden na nagtamo ng matinding sugat sa kanyang katawan.

Local bomb-expert umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) si Alimuden at pagawaan ng bomba ang kanyang bahay.

Itinanggi naman ito ng pamilya ng mga biktima at iginiit na isang ordinaryong magsasaka lamang si Alimuden.

Sa ngayon ay todo bantay ng mga otoridad si Alimuden Masla sa Cruzado Medical Hospital sa bayan ng Pikit.