-- Advertisements --
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nagkasundo ang sugar industry stakeholders at Malacanang na gawing 150,000 metric tons na lang ng asukal ang aangkatin, kung kailangan.
Higit na mababa ito sa 300,000 metric tons na isinusulong ng ilang nagbitiw na opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
Nangyari umano ang pag-uusap kahapon, kung saan maliban sa mga kinatawan ng sugar industry stakeholders, nakausap din ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Senate President Juan Miguel Zubiri.
Pero agad nilinaw ng opisyal mangyayari lamang ang pag-aangkat kung kukulangin na ang supply na mula sa sarili nating pinagkukunan ng produktong asukal.