-- Advertisements --

Itinanggi ni Vice President Sara Duterte na pakawala niya si Cavite 4th District Rep. Francisco Barzaga.

Kasunod ito sa paglunsad ni Barzaga ng panawagan na magbitiw sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ng Bise Presidente na hindi niya kontrolado ang mambabatas dahil may sarili itong prinsipyo at desisyon sa buhay.

Wala rin itong nakikitang problema sa ginagawa ni Barzaga dahil sakop tayo ng “Freedom of speech and expression”.

Magugunitang nitong Linggo ay dumalo si Barzaga sa kilos protesta sa labas ng Forbes Park Subdivision sa Makati City kung saan nanawagan sila ng pagbibitiw kay Pangulong Marcos.