Inimbitahan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na makibahagi sa unang kapiyestahan ni Saint Carlo Acutis ang tinaguriang “Saint of our age”.
Ayon kay Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr.,ang outgoing chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communications at incoming chairman ng CBCP Episcopal Commission on Youth na gaganapin ang pagdiriwang ngayong Oktubre 11 sa Mary Mother of Hope–Landmark Chapel sa lungsod ng Makati.
Isasagawa ang misa na tumatalakay sa buhay ni St. Carlo Acutis na pangungunahan ni Fr. Dale Dakila.
Ang nasabing kaganapan ay inorganisa ng Tropa ni San Carlo Acutis na nagsusulong ng mga santo sa Bansa kasama ang Archdiocese of Manila Office for the Promotion of the New Evangelization (OPNE) at Mary Mother of Hope–Landmark Chapel.