Naobserbahan ang ash emission mula sa Bulkang Kanlaon sa Negros Island nitong umaga ng Miyerkules, Oktubre 15.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang ash emission sa bulkan bandang alas6:54 ng umaga hanggang alas-7:40 ng umaga.
Nakapag-generate ang naturang event ng grayish plumes na umabot ng 100 metro ang taas mula sa crater bago ito napadpad sa timog-kanlurang direksiyon, base sa naitala sa Kanlaon Volcano Observatory-Canlaon City IP Camera.
Sa ngayon, nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa bulkan, kayat pinapaalalahanan ang publiko na ipinagbabawala pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Dnager Zone gayundin ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa tuktok ng bulkan