Ilang lugar sa bansa ang nagsuspinde ng klase o lumipat sa alternative learning mode bunsod ng pagtaas ng kaso ng flu-like illnesses, mga lindol, at iba pang health concerns.
Mga Apektadong Lugar:
Laguna – Walang face-to-face na klase sa lahat ng antas (public at private) hanggang Oktubre 31. Lilipat sa alternative learning mode.
Rizal – Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas mula Oktubre 15 hanggang 17. Alternative learning ang ipatutupad.
Alitagtag, Batangas – Walang face-toface classes sa lahat ng antas, kabilang ang ECCD at ALS.
Davao Oriental (buong lalawigan) – Walang face-to-face classes sa lahat ng antas hanggang sa susunod na abiso.
Davao de Oro:
- Nabunturan – Asynchronous learning sa lahat ng antas.
- Mabini, Monkayo, Mawab, Montevista – Walang klase sa lahat ng antas.
- Gingoog, Misamis Oriental – Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas hanggang sa susunod na abiso.
University of Santo Tomas (UST) – Walang klase at opisina hanggang Oktubre 16 (Huwebes).
Patuloy ang paalala ng mga lokal na pamahalaan na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na anunsyo para sa mga susunod na update.