Posibleng itaas ang storm surge sa mga coastal area sa Northern Luzon, dahil sa malalakas na hanging dala ng bagyong Nando.
Ayon kay Engr. Chris Perez, Asst. Weather Services Chief ng DOST-Pagasa posibleng bukas (Sept. 20) ay magsimula nang maranasan ang storm surge o matataas na daluyong dala ng bagyong Nando sa mga baybayin sa Northern Luzon.
Posible ring bukas ay maglalabas na ang weather bureau ng storm surge warning dahil sa naturang bagyo.
Maaaring maranasan ang hanggang 14 meters na taas ng alon sa northeastern seaboard ng bansa habang binabaybay ito ng bagyong Nando, at patuloy na lumalakas at papalapit sa mga dalampasigan.
Maaari pang aangat ang taas ng alon sa mga susunod na araw.
Bagaman pinapayagan pa ngayon na makapaglayag ang mga maliliit na bankang pangisda sa naturang karagatan, pinayuhan ni Perez ang mga ito na iwasan nang pumalaot sa simula bukas hanggang sa itaas na mismo ang storm surge warning.
















