Walang naitalang danyos o pinsala ang lokal na pamahalaan ng Surigao Del Sur sa naging pagtama ng magnitude 6 na lindol sa lalawigan nitong Sabado, Oktubre 11.
Ayon kay Surigao Del Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Head Alex Arana, sa kabila ng nagging pagyanig at wala naming naiulat na pinsala o danyos sa kanilang probisniya.
Aniya, isinagawa ang evaluation at assessment mula sa mga munisipalidad ng Cagwait, Tandag at iba pang mga nasa coastal areas ng Surigao Del Sur.
Agad naman ding aniyang nakauwi ang mga residenteng inilikas bunsod ng tsunami warning at agad ding nagbigay ng ng augmentation ang ang local government unit sa naturang lalwigan upang mailikas rin ang mga pasyenteng nasa loob ng mga ospital.
Samantala, nananatili naming activated ang emergency operation center ng lalawigan habang patuloy na nakakatanggap ng mga ulat mula sa mga local na pamahalaan sa rehiyon.