-- Advertisements --
goring trax

Posible pa umanong lumakas hanggang sa supertyphoon category ang bagyong Goring.

Huli itong namataan sa layong 260 km sa silangan ng Calayan, Cagayan.

Kumikilos ito nang patimog silangan sa napakabagal na paggalaw.

Dala nito ang lakas ng hangin na 110 kph at may pagbugsong 135 kph.

Signal No. 1:

Batanes, eastern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is.), eastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri), at eastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Ilagan City)