-- Advertisements --

Patuloy na pinananatili ng bagyong Uwan ang lakas nito habang kumikilos pahilaga sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Namataan ang sentro ng bagyo sa layong 365 km kanluran ng Calayan, Cagayan onasa labas na ng PAR.

Kumikilos ito pa-hilaga sa bilis na 15 km/h.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 120 km/h malapit sa gitna, at pagbugsong hangin na hanggang 150 km/h.

Ang sirkulasyon ng hangin mula sa bagyo ay umaabot hanggang 750 km mula sa gitna.

Signal No. 2:

Batanes
Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
Apayao, Abra, Kalinga
Kanlurang bahagi ng Mountain Province
Hilagang-kanlurang bahagi ng Benguet
Ilocos Norte, Ilocos Sur
Hilagang bahagi ng La Union

Signal No. 1:

Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya
Natitirang bahagi ng Benguet, Ifugao, Mountain Province, La Union
Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan
Metro Manila, Cavite, Laguna
Hilaga at kanlurang bahagi ng Batangas
Rizal, hilagang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands
Lubang Islands