-- Advertisements --

Itinaas ng Department of Health (DOH) ang Code White Alert sa kanilang Central Office bilang tugon sa epekto ng Bagyong Tino.

Ito ay upang matiyak ang 24/7 na koordinasyon at agarang tugon medikal sa mga apektadong rehiyon.

Ayon sa DOH, nakahanda na ang mga gamot, medical equipment, at emergency response teams sa kanilang Operations Center para sa agarang deployment sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.

Tiniyak din ng kagawaran na patuloy ang 24/7 monitoring ng DOH Operations Center upang makipag-ugnayan sa mga regional offices at matiyak ang mabilis na pagbibigay ng tulong medikal sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Giit ng DOH, ang Code White Alert ay bahagi ng kanilang disaster preparedness protocol upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng publiko sa gitna ng kalamidad.