-- Advertisements --
Pinag-iingat ng Board of Investments (BOI) ang publiko sa mga indibidwals at kumpanya na nag-aalok ng tulong para sa investment registration.
Nakarating sa opisina ng BOI na may ilang mga hindi otorisadong indibidwal ang gumagamit ng mga cellphone numbers na galing pa sa ibang bansa.
Nag-aalok ang mga ito ng registration services na nagpapakilalang galing sila sa gobyerno.
Paglilinaw ng ahensiya na wala silang binibigyan ng otorisasyon para mangulekta ng babayarin, magproseso ng aplikasyon na may kinalaman sa BOI registration sa labas ng nailang opisyal na channel.
Ang BOI ay attached agency ng Department of Trade and Industry (DTI) na siyang pangunahing opisina ng gobyerno na nagsusulong at nag-aapruba ng mga investment.
















