-- Advertisements --

Balak ngayon ng Japan na magdeklara ng state of emergency sa Tokyo dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Sinabi ni Japanese Economy Minister Yasutoshi Nishimura, na kanilang pagdedesisyunan agad ang nasabing usapin.

Posibleng magsimula ang nasabing state of emergency sa darating na Biyernes at ito ay magtatagal ng hanggang isang buwan.

Pumapalo na kasi sa 4,520 ang bagong kaso ng COVID-19 sa Japan kung saan mahigit kalahati dito ay galing Tokyo.