-- Advertisements --
Maraming mga lugar sa bansa ang nagdeklara na ng state of calamity dahil sa naranasang matinding pag-ulan.
Ang mga lugar ay kinabibilangan ng Cavite, Cebu City, Sebastian, Antique, Malabon City, Quezon City, Lungsod ng Maynila; Calumpit sa Bulacan, bayan ng Malasiqui at Umingan sa lalawigan ng Pangasinan.
Layon ng pagdeklara ng state of calamity ay para magamit ng mga munisipalidad at lungsod ang kanilang calamity fund.
Magpapatupad din sa mga nabanggit na lugar ang price freeze sa mga pangunahing bilihin.