Christian Stanhardinger
Christian Stanhardinger/ PBA image

Hindi maipaliwanag ni NorthPort star Christian Standhardinger ang kasiyahan matapos hirangin siya bilang Best Player of the Conference.

Isinagawa ang awarding bago ang pagsisimula ng Game 4 sa pagitan ng Barangay Ginebra at Meralco Bolts.

Pinasalamatan niya ang kaniyang koponan dahil sa pagdala sa kaniya sa lugar para makuha ang pagkilala.

Naungusan niya ang dating kasamahan sa San Miguel na si June Mar Fajardo kung saan mayroong 1,011 points ang nakuha ng Filipino-German born player habang mayroong 657 points si Fajardo.

Pumangatlo naman si Jayson Castro na mayroong 615 points at pang-apat si CJ Perez.

Nakuha naman ni Bolts import Allen Durham ang kaniyang ikatlong Best Import award.

Pumangalawa sa kaniya si Justin Brownlee.

Mayroon kasing 1,170 points si Durham (500 points mula sa statistics, 420 mula sa media at 100 mula sa players at 150 mula sa PBA) at nakatipon naman ng 937 si Brownlee.