-- Advertisements --
Tinanggal na ng Sri Lanka ang ipinatupad nilang nationwide lockdown dahil sa pagbaba na ng kaso ng coronavirus.
Sinimulan ang lockdown noong Marso 20 at ito ay dahan-dahan nilang niluluwagan ang mga lockdown mula sa iba’t-ibang lugar.
Sinabi ni President Gotabaya Rajapaksa, na ang mga naitalang bagong kaso noong Abril 30 ay yung mga kababayan nila na kakauwi lamang na galing sa middle east.
Plano din nilang buksan ang mga borders sa darating na Agosto 1.















