Inilabas na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong araw ng Martes, September 8 ang opisyal na mugshot ni dating House Speaker at Leyte 1st District Representative Martin Romualdez, matapos matanggap ang isinampang plunder case.
Ipinakita sa press briefing sa Camp Crame ang larawan ni Romualdez habang ito ay nakaratay sa isang private hospital sa lungsod ng San Juan. Makikita rin na sa larawan na nakasuot pa ito ng hopsital medical gown, nasal at intravenous cannula.
Sa larawan imbes na suot ni Romualdez ang isang standard orange shirt ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) detainee shirt, ipinatong na lamang ito sa medical gown ng dating house speaker.
Matatandaang naaresto nga si Romualdez nitong Lunes, September 7 para sa kasong plunder o pandarambong. Nagsampa nga ng kaso ang Ombudsman sa Sandiganbayan laban sa dating House Speaker kaugnay sa umano’y pagkakangsakot nito sa mahigit 7 billion pesos flood control projects scam at kickbacks sa iba’t-ibang proyekto mula noong 2022 hanggang taong 2025.
Ipinaliwanag naman ng PNP-CIDG National Capital Region kung bakit hindi naipasuot ang orange detainee shirt, ito ay matapos hindi umano makatayo si Romualdez dahil na rin sa ilang mga medical apparatus na nakasuot sa kanyang katawan.
Samantala, sisimulan na ang pagdinig ng kaso ni Romualdez sa Huwebes ngayong Linggo sa Sandiganbayan Third Division.
















