SAN ANTONIO – Nakabangon na rin ang San Antonio Spurs upang itabla ang serye at tambakan sa Game 2 ang Houston Rockets, 121-96, sa Western Conference semifinals.

Nagpakitang gilas sa kanyang performance si Kawhi Leonard na may 34 points, eight assists at seven rebounds.

Gayunman wala pang kasiguraduhan ang status ni Tony Parker na inilabas ng court matapos na hindi naging maganda ang bagsak habang may 8:43 minuto pa ang natitira sa laro.

Tinangka pa nitong maglakad pero hindi na kinaya kaya binitbit na lang ng kanyang mga teammates.

Nakatakda itong sumailalim sa MRI bukas.

-- Advertisement --

Nagtapos si Parker ng 18 points at four assists sa 26 na minuto na paglalaro.

Samantala ang Houston point guard na si James Harden ay nalimitahan lamang ang kanyang puntos sa 13 kung saan inalat din siya na meron lamang 3-out of -17 sa kanyang shooting.

Minalas din sa 3-point attempts ang Rockets na may 11-for-34.

Bago ito sa Game 1 nang sila ay manalo ay naipasok nila ang 22 for 50.

Pagkakataon ng Rockets na bumuwelta sa Spurs sa Game 3 na gaganapin sa kanilang teritoryo sa Sabado.