-- Advertisements --
Sa first half pa lamang ay nagtala na ng 87 points ang San Antonio Spurs na naging sandalan upang pahiyain ang top team na Milwaukee Bucks, 146-125.
Habang sa first quarter naman nagposte ang Spurs ng 45 points para itala ang record sa kasaysayan ng prangkisa.
Ang walang humpay na tirada ng Spurs ay hindi na kinaya ng Bucks hanggang sa huli.
Dahil sa naturang panalo, natuldukan tuloy ang five game winning streak ng Bucks.
Sa ngayon naghahabol ang Spurs na makaabot man lang sa play-in tournament.
Nanguna sa opensa ng Spurs si DeMar DeRozan na may 23 points.
Ang NBA MVP naman na si Giannis Antetokounmpo ay may 28 points para sa Bucks na pasok na rin sa playoffs.