-- Advertisements --

Dumanas ng anterior cruciate ligament (ACL) injury ang shooter ng Houston Rockets na si Fred VanVleet, habang siya ay nasa gitna ng training sa Bahamas.

Nasa Bahamas ang Rockets, para sa minicamp nito, ilan lingo bago ang tuluyang pagsisimula ng 2025-2026 season ng NBA.

Batay sa report ng mga NBA insider, agad sasailalim sa surgery ang NBA champion ngayong lingo, kapag nakabalik na ito sa US.

Inaasahang hindi makakapaglaro ng mahabang panahon ang Rockets guard dahil sa naturang indjury. Gayonpaman, hindi pa rin inaalis ang posibilidad na makakabalik siya bago matapos ang season sa 2026.

Unang naging bahagi ng Rockets ang naturang guard, dalawang season na ang nakakalipas, kung saan nagawa niyang magbulsa ng average na 14.1 points per game at 5.6 assists per game.

Siya ang isa sa mga pangunahing 3-point player ng koponan kung saan nitong nakalipas na season ay nagagawa niyang magpasok ng tatlong tres kada laro, mula sa 7.7 3-point shots na kaniyang pinapakawalan.