-- Advertisements --

Hindi na bahagi ng federal gambling probe ang batikang guard na si Malik Beasley.

Kung babalikan noong Hunyo 29, 2025, sinimulan ng U.S. District Attorney’s Office ang isang imbestigasyon dahil sa umano’y pagkakasangkot ni Beasley sa illegal gambling na may kaugnayan sa NBA games. Kasama rin sa imbestigasyon ang umano’y prop bets.

Ang naturang alegasyon ay mula pa noong 2023-2024 kung kailan miyembro pa noon ang batikang guard ng Milwaukee Bucks.

Ayon sa abogado ni Beasley na si Steve Haney, sa loob ng ilang buwan ay isinagawa ng DA ang kanilang pagsisiyasat ngunit hindi nito nagawang sampahan ng kaso ang kaniyang kliyente.

Aniya, ang isang alegasyon na hindi naman mauuwi sa pagsasampa ng kaso, indictment, o conviction, ay hindi dapat nagdudulot ng mabigat na epekto kaninuman, hindi tulad ng nangyayari kay Malik.

Makailang ulit din aniyang nakipag-usap ang kinatawan ng Eastern District of New York sa kampo ni Beasley, at wala itong naging kinahinaynan.

Samantala, kasabay ng pagpasok ni Beasley sa free-agency, ilang team na umano ang kumausap sa kaniyang kampo, ngunit nananatili ang posibilidad na pipirma siya ng extension sa Detroit.