-- Advertisements --
Inanunisyo ng NBA na sumasailalim operasyon dahil sa brain tumor si dating Brooklyn Nets star Jason Collins.
Ayon sa NBA na humihingi ng pagdarasal ang mga kaanak para sa paggaling ng 7-foot center.
Hiniling din ng pamilya ng privacy habang itinutuon nila ang atensiyon sa kalusugan ni Collins.
Ang 46-anyos na si Collins ay naglaro din sa Atlanta Hawks, Boston Celtics, Memphis Grizzles, Minnesota Timberwolves at Washington Wizards.
Mayroon itong average na 3.6 points at 3.7 rebounds.
Noong 2001 ay pang -18th overall draft ito ng Houston Rockets matapos ang paglalaro sa Stanford kasama ang kambal na si Jarron Collins.
Umamin si Jason noong Mayo 6, 2013 na ito ay isang gay kung saan siya ang unang aktibong atleta noon na lumantad.