-- Advertisements --

Inanunsiyo ng dating NBA player na si Jeremy Lin ang tuluyang pagreretiro nito sa professional basketball.

Sa kaniyang social media account ay isinagawa nito ang anunsiyo kung saan naging mahirap sa kaniya ang desisyon.

Sinabi nito na natupad niya ang pangarap niya noong bata pa na makapaglaro sa harap ng mga fans.

Naglaro ng siyam na taon sa NBA si Lin hanggang noong 2010 ay naging undrafted ito.

Naging rookie siya sa Golden State Warriors sa loob ng 29 na laro.

Subalit sumikat ito sa ikalawang season sa New York Knicks kung saan doon lumutang ang katagang “Linsanity”.

Mayroon itong average sa Knicks na 23.9 points at 9.2 assists.

Naglaro ito sa mga ibang mga koponan gaya sa Los Angeles Lakers, Charlotte Hornets, Brooklyn Nets, Atlanta Hawks at Toronto Raptors.

Noong ito ay nasa Raptors ay kabilang siya sa nakakakuha ng kampeonato.