-- Advertisements --

Nagtala ng isang katao ang nasawi habang marami ang nasugatan sa pamamaril at pagsunog sa isang Mormon church sa Michigan.

Gumamit ng assault riffle ang suspek sa Church of Jesus Christ of Latter-day Saints na matatagpuan sa Grand Blanc, Michigan.

Marami ring nasugatan sa insidente kung saan dinala na ang mga ito sa pagamutan.

Naapula naman ang sunog at inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek maging ang motibo nito.

Kinondina naman ni Michigan Governor Gretchen Whitmer ang insidente kung saan hindi na tama ang nangyayaring pamamaril sa loob ng simbahan.