Ipinaliwanag ni Quezon City 2nd District Representative Ralph Tulfo ang pagsasagawa nito ng magarbong party sa Las Vegas, Nevada.
Sinabi nito na ang nasabing video na kumalat ay noong taong 2023 pa.
Paglilinaw ni Tulfo na walang ginamit na pera ng taumbayan sa magarbong party at sa halip ay gamit ang sariling pera niya.
Maliban aniya sa kapaskuhan at pagsalubong ng taong 2024 ay mayroong magandang balita na natanggap ang kaibigan kaya sila nagdiwang.
Nag-ambag silang mga magkakaibigan para mapunan ang nasabing gastos.
Ituturing na lamang niyang aral ang pangyayari kung saan magiging sensitibo lalo sa mga nagaganap na kurapsyon at kahirapan sa bansa.
Makikita sa video na magarbong selebrasyon kung saan umabot sa P6.77 milyon.
Si Tulfo ay anak ni Senator Raffy Tulfo at ACT-CIS Party-List Rep. Jocelyn Tulfo.