Gorgui Dieng
-- Advertisements --

Kinuha ng San Antonio Spurs si Senegalese center Gorgui Dieng.

Ang nasabing paglipat nito sa koponan ay isinagawa matapos ang tatlong araw ng pakawalan siya ng Memphis Grizzles.

Papalitan ng 31-anyos na si Dieng si LaMarcus Aldrige na lumipat sa Brooklyn Nets.

Mayroong average si Dieng na 7.9 points, 6.1 rebounds at 1.4 assist.

Naglaro ito sa mga koponan gaya ng Minnesota Timberwolves at Memphis.

-- Advertisement --

Naging 21st pick siya noong 2013 NBA Draft ng Jazz bago inilipat sa Memphis ng gabing din iyon.