Walang balak na magkaroon pa ng tune-up fights sa pagbabalik ni WBC, IBF welterweight world champion Errol Spence.

Sinabi nito na hindi na mahalaga sa kaniya ang pagsasagawa ng mga tune-up games at nais niya ang mabigat na kalaban.

Masisira rin aniya ang diskarte nito sa boxing kung walang titulo itong mapapanalunan.

Huling lumaban ito noog Setyembre 2019 ng manalo laban kay Shawn Porter sa welterweight division sa Staples Center sa Los Angeles.
Matapos ang isang buwan ay naaksidente ito kaya nagpagaling ito ng ilang buwan.

HIndi rin natuloy ang laban nito kay Danny Garcia dahil pinayuhan ito ng mga doctor niya na kailangan pa ng karagdagang pamamahinga nitong unang buwan ng 2020.