errol spence 1
-- Advertisements --

Inamin ng US boxing champion na si Errol Spence na nanghinayang siya na hindi natuloy ang laban niya kay Manny Pacquiao.

Ayon kay Spence siya raw sana ang nagpatulog sa fighting senator na tinalo ni Ugas sa pamamagitan ng puntos.

Kung maalala umatras si Spence sa laban dahil sa problema sa mata.

Paliwanag naman ni Spence hindi siya takot kay Pacman dahil kung tutuusin kung tinalo niya ang Pinoy ring icon ay lalo sana siyang sisikat at tatabo ng husto sa kanyang kikitain.