-- Advertisements --

Hindi nababahala ang peoples champ na si Manny Pacquiao sa 16-taong agwat ng edad nila ni WBC welterweight champion Mario Barrios bago ang kanilang laban sa Hulyo 19.

Sa press conference, nakangiting sinabi ni Pacquio na, “Don’t worry about it. I’ve been here before. I know what to do.”

Nagpalitan ng mga salita ang dalawa ngunit nanatiling magalang si Barrios, na kinilala ang tagumpay ni Pacquiao sa larangan ng boxing.

Ani Barrios, “I know what Manny Pacquiao has done for this sport, but I’m here to defend my title.”

Samantala, gaganapin ang kanilang pagtutunggali sa MGM Grand Garden Arena at mapapanood ito via pay-per-view.