SPENC VS PORTER
Spence vs Porter

Handang tapatan ni Errol Spence Jr ang laban na ipapatupad ni Shawn Porter.

Sinabi ni Spence na kaya niyang mandaya gaya ng ginawang headbutt na ni Porter para talunin si Andre Berto.

Noong Abril 2017 ay tinalo kasi ni Porter si Berto sa ika-9th round sa pamamagitan ng technical knockout.

Subalit inireklamo ni Berto ang laban ay sinabing siya ay na-headbutt ni Porter para manalo.

Paglilinaw naman ni Porter na tatlong beses niyang pinabagsak si Berto sa nabanggit na laban.
Nakatakdang magharap ang dalawa sa Setyembre 28 para sa WBC title at IBF belt sa Las Vegas.

May record si Porter na 30 panalo, dalawang talo, isang draw na may 17 knockouts habang si Spence ay mayroong 25 panalo, walang talo na may 21 knockouts.