Hindi na matutuloy ang gagawing special session ng kongreso sa Sabado, Marso 21, para sana talakayin ang supplemental budget.

Sinabi Senate President Vicente Sotto III, makikipagpulong na lamang sila sa executive agencies sa MalacaƱang.

Ayon pa sa kaniya na pag-uusapan na nila ang pagpapalakas at pagbibigay sa gobyerno ng paraan para matugunan ang kasalukuyang krisis.

Magugunitang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso na magsagawa ng special session para sa pagpapalabas ng karagdagan pondo sa paglaban sa coronavirus.