Reading Time: 1 minute
inday sara duterte
Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio

DAVAO CITY – Idinahilan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang kanyang special medical leave kaya hindi ito makakadalo sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantalang si Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte ay naghayag din na “no show” rin ito sa SONA ng ama dahil mahihirapan daw siyang bumalik kinaumagahan para sa session ng 19th Davao City Council.

Dahil dito, ngayong taon lamang magiging kulang ang first family ng Pangulong Duterte sa naturang okasyon.

Sa ikatlong SONA ng Pangulo noong nakaraang taon, dumalo ang lahat ng mga miyembro ng First Family.