-- Advertisements --

Nagtala ng kasaysayan ang India matapos na makarating sa buwan ang kanilang sariling spacecraft.

Dahil sa tagumpay ng Chandrayaan-3 spacecraft ay sila na ang pang-apat na bansa na nakarating sa ibabaw ng buwan kasama ang US, China at dating Soviet Union.

Ang India lamang ang matagumpay na nakalapag sa south pole ng buwan.

Ito ang pangatlong pagkakataon na nagtangka ang India na ang dalawa ay nabigo sila.

Nais malaman ng India kung mayroong tubig o yelo sa buwan.

Ang tagumpay na ito ng India ay kasunod ng pagsabog ng unmanned Luna-25 spacecraft ng Russia.

Tinawag naman ni project director of the mission P Veeramuthuvel na tila nabunutan na ito ng tinik dahil sa tagumpay ng moon mission nila.

Sinabi naman ni Indian Prime Minister Narendra Modi na sa tagumpay ng kanilang moon mission ay maituturing na hindi lamang sky is the limit.

Noong 2009 ay nagpadala ang India ng robotic orbiter na tinawag na Chandrayaan -1 sa buwan na tumulong para makadiskubre kung mayroong tubig o yelo sa buwan.

Taong 2014 naman ng maglagay ang India ng satellite sa orbit sa palibot ng Mars na sila ang naging pang-apat na buwan na nakagawa nito.

Habang noong 2017 ay nakagawa din sila ng kasaysayan ng maglunsad sila ng 104 satellites sa isang mission lamang kung saan nahigitan nila ang Russia na mayroong 37 satellites lamang noong 2014.

Ang Chandrayaan-3 ay nagkakahalaga ng $75 milyon na mas mura kaysa sa $200 milyon Luna-25 spacecraft ng Russia na bumagsak.

Kaya mas mura ang halaga nito ay dahil sa magaan at maliit lamang ito kumpara sa mga gawa ng United Kingdom at US.