-- Advertisements --

Walang low pressure area (LPA) o anumang sama ng panahon na posibleng maging bagyo sa loob at labas ng bansa, ayon sa state weather bureau. 

Samantala, patuloy pa ring makaaapekto sa bahagi ng Northern Luzon ang habagat. 

Asahan naman daw ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Batanaes. 

Sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera Administrative Region (CAR), at natitirang bahagi ng Cagayan Valley, ay bahagyang maulap ang kalangitan na may mga pulu-pulong pag-ulan. 

Samantala, sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, bahagayang maulap na kalangitan rin ang mararanasan na may panaka-nakang localized thunderstorms.