Hindi dumalo sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang ilang mga senador na ka-alyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nanguna dito ang kapatid mismo ng pangulo na si Senator Imee Marcos, Senator Ronald dela Rosa , Bong Go at Robin Padilla.
Sinabi ni Sen. Marcos na ang desisyon ay base sa pagsali na niya sa grupo ng mga Duterte kung saan may ilang senador ang hindi na dumalo noong nakaraang taon.
May ilang importanteng dinaluhan ang senadora kung saan ang SONA ay maari namang mapakinggan sa radyo, mabasa sa diyaryo at mapanood sa telebisyon.
Habang sinabi ni Sen. Go na nagkaroon ito ng back spasm kaya kailangan niyang magpatingin sa pagamutan habang si Sen. dela Rosa ay ayaw niyang maging plastic sa desisyon ng gobyerno na makipagtulungan sa International Criminal Court at ipaaaresto si dating Pres. Duterte.
Dumalo naman sa SONA ang ilang kaalyado ni Duterte na sina Sen. Rodante Marcoleta, Mark Villar at Camille Villar.