-- Advertisements --

Niyanig ng 4.7 magnitude na lindol ang southeastern Mindanao bandang alas-8:52 ng umaga ngayong araw ng Linggo.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang epicenter ng nasabing lindol ay sa karagatan na may layong 162 kilometro sa timog ng Jose Abad Santos ng Davao Occidental.

Dagdag pa ng PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 107 kilometro.

Wala namang inaasahang aftershocks.

Samantala, nakaranas din ng magnitude 4.4 na lindol bandang ala-1:20 kaninang madaling araw ang Hernani, Eastern Visayas.

Tectonic din ang pinagmulan ng naturang lindol at walang inaasahang aftershocks.