-- Advertisements --

Sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang inflation noong Abril 2025 ay nasa loob pa rin ng forecast na 1.3% hanggang 2.1%.

Ayon sa BSP, nananatiling kontrolado ang inflation dahil sa pagbaba ng baseline forecasts at patuloy na paghupa ng presyo ng mga bilihin.

Ang risk issues sa inflation ay balanseng nakikita mula 2025 hanggang 2027, kung saan maaaring tumaas ang singil sa transportasyon, presyo ng karne, at bayarin sa kuryente, habang ang pagbaba ng taripa sa imported na bigas at mahinang global demand ay maaaring magpababa ng inflation.

Inilahad ng Monetary Board ang hamon sa world economy na maaaring magdulot ng paghina sa lokal na ekonomiya.

Dahil dito, maaaring maging mas maluwag ang pananalapi ng BSP habang patuloy itong magpapasya batay sa datos upang mapanatili ang katatagan ng presyo at suportahan ang maayos na paglago ng ekonomiya.