-- Advertisements --

Pinayuhan ni US President Donald Trump ang mga mamamayan nitong nasa Iran na agad na lumikas na.

Kasunod ito sa paglala ng sitwasyon dahil sa lumalalang kilos protesta sa nasabing bansa.

Dagdag pa nito na natapos na ang lahat ng nakatakdang pagpupulong sa mga opisyal ng Iran.

Ilang mga opisyal kasi ng White House ang nagsagawa ng pulong kasama ang mga opisyal ng Iran para matugunan ang problema sa lumalalang kaguluhan.

Magugunitang aabot na sa mahigit 1,000 protesters na ang nasawi sa mahigit tatlong linggong kilos protesta dahil sa bumabagsak na ekonomiya.