-- Advertisements --

Pasok na sa round of 16 ang South Korea matapos na maipanalo ang laban 2-1 kontra sa Portugal sa Group H ng nagpapatuloy na 2022 FIFA World Cup sa Qatar.

Dominado ng ranked number 9 na Portugal ang laro kung saan nakapag-goal sila sa first half ng laro ang Portugal sa laro na ginanap sa Education City.

Matapos ang 27 minuto ay sinagot ni ng South Korea ang Kim Younggwon ng goal.

Dahil sa matinding depensa ng magkabilang koponan ay natapos ang first half ng 1-1.

Kontrolado pa rin ng Portugal ang laro sa pagpasok ng second half kung saan kapwa nagpalit ng mga manlalaro ang dalawang koponan.

Naipasok ni Hwang Hee-chan ng South Korea ang goal sa addtional na isang minuto ng 90 minutes regulations.

Kahit na talo ay pasok pa rin sa round of 16 ang Portugal dahil sa sila ang nanguna sa Group H na mayroong 6 points at pangalawa sa puwesto ang South Korea na mayroong 4 points.