KORONADAL CITY- Nanlaban-patay sa mga otoridad ang isang miyembro ng South Cotabato Provincial Security Unit matapos ang ikinasang drug buybust operation ng PNP at PDEA 12 sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.
Ito ang kinumpirma ni Pol Col Joel Limson, hepe ng South Cotabato PNP sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Limson, kinilala ang suspek na si Alfredo Polido Jr, 44-anyos, residente ng Lot 3, Yu Village, Brgy Apopong, General Santos City.
Ipinahayag ng opisyal na bigla lang umanong bumunot ng baril ang suspek ng matunugang pulis ang katrasaksyon nito dahilan upang paputukan ito ng mga otoridad sa harap ng isang resort sa Prk Maligaya, Brgy Pagalungan ng nasabing bayan.
Dinala pa umano sa ospital si Polido ngunit ideneklarang dead on arrival.
Narekober naman sa posisyon niyo ang 14 na sachets sang suspected shabu, drug paraphernalia, cal. 38 na armas, mga bala at P1,000 na marked money.
Napag-alaman na una nang sinabi ni SoCot PSU Chief Elioterio Nodado na binaril si Polido ng riding in tandem suspek subalit ipinahayag naman ni Limson na isang lehitimong drug operation ang kanilang isinagawa laban sa suspek.