Naglabas ng abiso ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka at mangingisda hinggil sa paparating na Bagyong Ada.
Layon nito na protektahan ang kanilang mga kabuhayan at buhay mula sa posibleng epekto ng bagyo.
Mahigpit na pinayuhan ng DA ang lahat ng mga residente na naninirahan sa mga lugar na direktang maaapektuhan ng bagyo na maging handa at gawin ang lahat ng kinakailangang pag-iingat.
Para sa ating mga magsasaka, ang DA ay nagbigay ng ilang mahahalagang rekomendasyon.
Una, iminungkahi ang agarang pag-ani ng mga pananim na hinog na upang maiwasan ang pagkasira nito dahil sa malakas na hangin at ulan.
Pangalawa, pinapayuhan ang paglikas ng mga mahahalagang binhi at kagamitan sa isang ligtas na lugar upang hindi ito masira o mawala.
Pangatlo, dapat maghanda ng sapat na pagkain para sa mga alagang hayop upang matiyak na mayroon silang makakain sa panahon ng bagyo. Pang-apat, ang paglilinis ng mga kanal ay mahalaga upang maiwasan ang pagbaha sa mga sakahan.
Para naman sa ating mga mangingisda, ang DA ay nagbigay din ng mga kaukulang payo kung saan ay pinayuhan silang itago ang kanilang mga bangka sa isang ligtas na lugar upang hindi ito masira o tangayin ng alon.
Higit sa lahat, pinagbawalan silang pumalaot o maglayag habang may bagyo upang maiwasan ang anumang sakuna sa dagat.
















