Nanguna na ngayon ang South America bilang epicenter ng coronavirus pandemic.

Ayon sa World Health Organization, ito ay dahil sa nagtala ang Brazil ng may pinakamaraming kaso ng coronavirus.

Sinabi naman ni Dr. Mike Ryan, ang emergencies top experts ng WHO, na kahit na tumataas ang kaso ng coronavirus sa ibang bansa sa Africa ay nananatili pa rin itong mababa.

Hindi rin aniya sang-ayon ang WHO sa pagsusulong ng mga opisyal ng Brazil ng paggamit ng gamot na hydrochloroquine dahil wala pang mabigat na ebidensiya na nakakagamot ito.