-- Advertisements --

Binatikos ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, dahil wala umano itong alam sa nangyayaring kurapsyon sa ahensiya.

Tinutukoy ng Senate President ang naging pagbubunyag ni Senator Panfilo Lacson na mayroong P6 bilyon na “tongpats” ang DA dahil sa importation ng ng karne ng baboy.

Ayon pa kay Sotto na dapat ay umali na si Dar sa puwesto kung hindi nito alam ang mga nangyayari sa ahensiya.

Isinusulong ngayon ang imbestigasyon sa Senado sa nasabing usapin.

Magugunitang ibinunyag ni Lacson na sa proposal ng DA na taasan ang bilang ng pork importation at ang pagbawas ng taripa nito ay kikita ang mga sindikato ng ahensiya ng hindi bababa ng P6-B kada taon.

-- Advertisement --