-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nakahanda na ang gobyerno para tugunan ang anumang mga pangangailangan ng ating mga kababayan mula epekto ng Bagyong Crising.

Kaninang umaga personal na ininspeksyon ng Pangulo ang warehouse ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan isinasagawa ang repacking ng mga family food packs na ipamamahagi sa mga kababayan natin na apektado ng Bagyong Crising.

Ayon sa Pangulo ginagamitan na ng bagong makinarya ang pag repack sa mga relief goods na binubuo ng ibat ibang health kits, sanitary kit, family dress kit at cooking set.

Dahil sa bagong makinarya nagiging mabilis ang pag repack.

Ibinida din ng Pangulong Marcos ang mga balde na mayruong filter na maaring paglagyan ng tubig na kahit hindi malinis kapag na filter ay maari na itong inumin.

Ayon sa Presidente malaking bagay ang mga baldeng may filter lalo na sa panahon ng bagyo na hirap makainom ng malinis na tubig dahil sa mga pagbaha.

Sa ngayon nasa tatlong milyon ng family food packs ang naka reserba.

Bukod dito mayruong din P2.9 billion standby funds ang DSWD para kung kakailanganin ng dagdag na pondo ay may paghuhugutan.