-- Advertisements --
Kinilala ng Guinness World Record ang Probinsiya ng Sorsogon dahil sa paggawa nila ng nut brittle sa buong mundo.
Mahigit 200 volunteers ang nagtipon-tipon sa Provincial Gymnasium ng Sorsogon at gumamit ng 1,400 kilos ng pili nuts na galing sa mga lokal na magsasaka.
Matapos ang ilang oras na pagluluto ay nakabuo ang sila ng pili nut brittle na may laking 144.16 square meters na katumbas ng one-third ng isang basketball court.
Sinabi ni Jerome Dio ng Museo Sorsogon acting curator at organizer ng Guinness World Record Official Attempt na layon nila na makilala ang lalawigan bilang Pili Capital ng bansa.
Dagdag pa nito na wala pang nagtangkang gumawa nito kaya ginawa na nila ang record.