-- Advertisements --

Patay ang limang katao habang 23 naman ang sugatan matapos na mahulog sa bangin ang pampasaherong bus sa Camarines Sur.

Sinabi ni Police Capt. Bernie Undecimo, ang hepe ng Del Gallego PNP , na nangyari ang insidente ng 3:25 ng umaga.

Base sa imbestigasyon ng kapulisan na binabagtas ng DLTB bus na galing sa Cubao, Quezon City ng ito ay mahulog sa bangin ng kahabaan ng Andaya Highway sa Barangay Magais.

Sinabi ng mga nakaligtas na bigla na lamang umanong nawalan ng malay ang driver kaya ito nawalan ng kontrol.

Kuwento naman ng kapalitan nitong driver na nagpalitan sila ng puwesto pagdating sa bayan ng Tabogo sa Camarines Norte at patungo sila sa bayan ng Gubat, Sorsogon.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.