Reading Time: 1 minute

Sasalang si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang rehearsal sa darating na weekend bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa gagawing ikaapat na State of the Nation Address (SONA) sa July 22.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, kasama ni Pangulong Duterte sa final briefing ang direktor ng SONA na si Bb. Joyce Bernal.

Ayon kay Sec. Andanar, magiging bahagi ng briefing ang malaman ng kilalang film director kung ano ang magiging laman ng speech ni Pangulong Duterte para ito ay madiskartehan.

Pero nilinaw ni Sec. Andanar na si Pangulong Duterte ang magtsi-tsek at e-edit sa kanyang SONA.

Dagdag pa ni Sec. Andanar na may malaking bahagi si Sen. Bong Go sa ginagawang paghahanda ni Pangulong Duterte sa SONA lalo’t sa mahabang panahon ay ito ang nagsilbing private adviser ng chief executive at tiyak umanong magpapatuloy ito hanggang 2022.