-- Advertisements --

Nagsagawa ng inspeksyon ang Department of Energy (DOE) sa pangunguna ni Officer-in-Charge Sharon Garin sa mga fuel retail outlets sa Taguig ngayong araw ng Miyekules, bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na protektahan ang mga pamilyang Pilipino laban sa pagtaas ng presyo ng langis.

Layunin ng inspeksyon na tinaykin na tama ang dami at kalidad ng produktong petrolyo, at sumusunod ang mga nagbebenta sa staggered pricing mechanism sa kabila ng pabagu-bagong presyo sa pandaigdigang merkado.

Nangolekta ang DOE ng isang litro ng bawat uri ng langis para sa pagsusuri sa kanilang laboratoryo. Kapag may nakita silang paglabag tulad ng maling calibration ng mga dispenser o expired permits, maaari silang magrekomenda ng administrative sanctions o ipasa ang kaso sa lokal na pamahalaan para suspendihin ang kanilang negosyo.

Samantala patuloy na isinasagawa ng DOE ang mga routine at random inspections bilang bahagi ng kanilang regulatory mandate.